Niratipikahan na ang resulta ng plebisito para pagsamahin ang ilang mga barangay sa Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 29,285 ang mga botante na bumoto ng “yes” o katumbas ng 90.44% ng kabuuang bilang ng mga bumoto habang nasa 9.25% lamang o 2,994 ang bumoto naman ng “no”.
Mayroong kabuuang 32,380 mula sa 114,416 barangay registered voters sa lungsod ang bumoto ng sang-ayon para sa pagsasama-sama ng nasa 44 barangay sa 18 na lamang at pagpapalit ng pangalan ng limang iba pang barangay bilang resulta ng merge ng mga ito.
Katumbas ito ng 28.30% voter turnout.
Isinagawa ang naturang plebisito matapos ang issuance ng City Ordinance No. 275-2023 noong Marso 28 na nanawagan para pagsamahin ang ilang mga barangay para matiyak ang paglago ng kanilang ekonomiya at pag-unlad.