Retiradong Pulis patay habang nagdarasal sa loob ng bahay sa Parang Maguindanao

Patay sa pamamaril ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Ronda , Brgy. Gadungan, Parang Maguindanao.
Kinilala ang naging biktima na si Retired SPO4 Delioso Camsa Sanday, 62 anyos.
Sa imbestigasyon ng PNP Parang, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima habang nagsasambayang o nagtataraweeh o nagdarasal sabado ng gabi ng pagbabarilin ng mga nakasakay sa motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala ng shotgun sa kanyang ulo ang biktima resulta ng kanyang kamatayan.
Agad namang nagsagawa ng hotpursuit operation ang PNP resulta ng pagkakahuli ng sinasabing 3 suspect sa bahagi ng Brgy. Gadong Barira alas dyes linggo ng umaga.
Kinilala ang mga ito na sina Mentang Sanday Usman, 31, Aded Usman, 28 at Basir Makatanong 35 , na mga residente ng Brgy. Sagasab Parang Maguindanao.
Nakumpiska pa kay Makatanong ang isang 38 Smith and Wesson. Kasalukuyang nasa custody na ng PNP ang mga naarestong suspect habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
google pic

Facebook Comments