Retired Master Sergeant, pinatay at sinunog

Basilan – Natagpuan kahapon ng tanghali ang isa pang patay na katawan ng isang retired na Master Sergeant sa Barangay Mahayahay sa munisipyo ng Maluso lalawigan ng Basilan.

Kasamang nasunog ang katawan ni retired Master Sergeant Julio Makaraig Pasawa animnaput dalawang taong gulang at tubong Pangasinan sa bahay niya ng tumakas ang mga rebelde na siyang nagpaulan ng bala sa mga kabahayan sa barangay Tubigan Maluso noong Lunes ng madaling araw.

Bago umano sinunog ang bahay ni Pasawa, pinagtataga ang katawan nito ang mga pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.


Matatandaan na inatake ng rebeldeng grupo ang barangay Tubigan at pinagbabaril
ang mga residentes doon kasama na ang mga bata kung saan siyam ang namatay at labing isa ang sugatan.

Si retired Master Sergeant Pasawa nakapag asawa ng Tubong Maluso Basilan, at doon na ito tumira at nagpundar ng kanilang sariling bahay matapos ang pagretiro nito sa serbisyo militar.

Facebook Comments