RFID Caravan, Nagsimula na Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan na ang ginagawang RFID Caravan sa barangay Tagaran partikular sa Cauayan City Sports Complex.

Ito ang kauna-unahang Auto Sweep RFID Drive Installation na isinagawa sa Lungsod sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Cauayan at San Miguel Corporation para sa mga mamamayan na magtutungo sa Maynila o dadaan sa mga Expressways.

Nagsimula na ito ngayong araw, Enero 20, 2021 at matatapos hanggang Enero 22 mula sa oras na alas 8:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.


Ang nasabing RFID Caravan ay isinagawa para hindi na mahirapan ang mga taga rehiyon dos na magpakabit ng RFID at hindi na kailangang sa Maynila pa kukuha.

Kinakailangan lamang na dalhin ang mga requirements para hindi matagalan sa pagkuha nito at hindi makapagdulot ng mahabang pila gaya ng application form kung saan ay maaari itong i-download sa bit.do/RFIDCyn, ihanda ang eksaktong bayad na P500.00 (minimum) para sa Class 1 habang P1,000.00 (minimum) sa Class 2 at 3.

Isang RFID lamang ang maaaring kunin at ibigay para sa isang sasakyan.

Mahigpit naman na ipinatutupad sa nasabing aktibidad ang health and safety protocols.

Kaugnay nito, pansamantala munang isinara sa ibang aktibidad ang Cauayan City Sports Complex para bigyang daan ang tatlong araw na RFID Caravan.

Facebook Comments