Cauayan City, Isabela- Nag uwi ng karangalan ang Lungsod ng Cauayan sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture nang gawaran ito ng ‘Rice Achiever Awards’ sa Philippine International Convention Center, Pasay City, Metro Manila.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Constante Barroga, City Agriculturist ng LGU Cauayan, aniya isang karangalan na naman ang naipagkaloob sa lungsod at bukod tangi ang lungsod ng cauayan ang kalahok sa buong rehiyon dos.
Dagdag pa ni Ginoong Barroga na pang apat na itong pagkakataon na nakamit ng lungsod ang nasabing parangal.
Maliban sa plaque ay nakakuha din ang lungsod ng isang milyong piso (P1,000,000.00) at ilalaan ito para sa karagdagang pondo sa sektor ng agrikultura.
Nagpasalamat naman si Ginoong Barroga sa mga magsasaka sa kanilang tulong bilang bahagi na ang lungsod ay isa sa mga nangungunang rice producer sa buong bansa.