Rice Farmer Financial Assistance Program inilunsad sa Pangasinan, higit 500 magsasaka sa lalawigan nabigyan ng 5k na financial assistance

Inilunsad ng Department of Agriculture ang Rice Farmer Financial Assistance Program o RFFAP dito sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw na layon na mabigyan ng financial assistance ang mga magsasaka na apektado ng mababang presyo ng palay.
Ayon kay Secretary William Dar ng Department of Agriculture, aabot sa 3 billion pesos mang inilaan na pondo sa RFFAP para sa 600,000 magsasaka sa Pilipinas.
87, 175 na magsasaka sa Pangasinan ang benepisyaryo nito o nasa halos 435, 000 na halaga ang ibibigay sa mga ito.
Nauna ng nabigyan ang higit 500 magsasaka na mula sa Mangatarem na binigyan ng cash cards na naglalaman ng 5, 000.
33 probinsiya ang napili ng Department of Agriculture kung saan kalahati hanggang sa dalawang ektarya ang sinasaka ng mga magsasaka mula rito.
Nilinaw ni Dar na hindi umano utang 5, 000 pesos kundi tulong ng national.government sa mga magsasakang Pilipino upang makaahon mula sa pagkakalugi.
Samantala, sa susunod na taon na ng 2020 isusunod ang second batch ng mga mabibigyan ng ayuda.
###

Facebook Comments