Cauayan City, Isabela-Mas lalong pinaigting ngayon ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang mga programang may kaugnayan sa ‘food security’ o seguridad sa pagkain na paraan para higit na matulungan ang mga magsasaka.
Isa na rito ang Rice Resiliency Program (RRP) at Plant Plant Plant Program (PPPP/P4) – Ahon Lahat Pagkaing Sapat (ALPAS) ng kasalukuyang administrasyon na ang pangunahing layunin nito ay magkaroon ng sapat na pagkain hindi lamang dito sa Rehiyon Dos kundi maging sa karatig na Rehiyon.
Ayon sa naging pahayag ni Dr. Marvin Luis, Senior Science Research Specialist (SSRS), Regional Rice Program Focal Person at Acting Assistant Chief ng Field Operations Division (FOD), ang rehiyon dos ay nakapagtala ng three percent (3%) increase o 1.4 Million Metric Tons (MMT) mula sa 1.36 MMT performance ng Rehiyon noong unang semester ng nakaraang taon.
Dagdag ni Luis na ginagawa ng DA-RFO 02 ang lahat ng makakaya upang makamit ang target na 2.7MMT ngayong 2020.
Posible din aniyang makamit ito kung walang mararanasang kalamidad, abnormalities o unfavorable weather condition” upang makamit ang naturang target.
Subalit sa larangan ng surplus production, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2019), nanatiling number one ang Rehiyon 2 na nakapagtala ng 267% sufficiency level noong nakaraang taon kung ikumpara sa Rehiyon 3, ani Luis.
Kaugnay dito, ayon sa datos ng PSA, 2019, ang Rehiyon Dos ay may kantribusyon na 2,644,702.34 MMT o 14.08% sa kabuuang 18,814,827.29 MMT produksyon ng palay sa buong Pilipinas noong nakaraang taon o 2019.
Kaya naman sa kabuuang target na 70,000 bags ng hybrid na binhi na kung saan 70,000 din na ektarya ang matamnan nito ay umabot na sa 99 % ang naipamudmod ng DA sa mga magsasaka.
Sinabi din nya na umabot na sa 92 % ang naidistribute sa mga magsasaka mula sa target na 20,000 bags ng Inbred seeds.
Sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) concerns na may kabuuang target na 188,200 bags ng inbred seeds ay umabot na sa 95% ang naipamahaging binhi sa mga magsasaka.
Ayon kay Luis, ang pamimigay ng High quality seeds kabilang na ang hybrid seeds sa mga farmers ay isa sa mga stratehiya ng Rehiyon upang masagot problemang may kaugnayan sa pagtatanim ng palay kagaya ng “low yield o low utilization of high-quality seed at time of planting.
Ayon kay Luis, ang Rehiyon ay mayroon lamang 39% katumbas ng 136,000 ektarya na natamnan ng mataas na kalidad ng binhi lalong-lalo na ang hybrid seeds.
Iginiit din ni Luis sa mga magsasaka na maging mapanuri o ang mariing pagsunod sa tamang panahon o right timing sa pagtatanim ng palay sapagkat kapag naitama ang paglilihi at ppamumulaklak ng palay sa malamig na panahon ay ito ang magiging sanhi ng pagka sterile o kawalan ng laman ng butil ng mga palay.
Samantala, kaugnay sa fertilizer assistance sa ilalim pa rin ng Plant Plant Plant Program, ayon kay Dr. Luis, sa buong rehiyon ay nakapamahagi na ng 20,998 na abono sa 7,688 farmer beneficiaries sa labinlimang bayan ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Isabela.
Nabanggit din ni Luis na ang isa sa mga pinaghahandaan ng DA RFO 2 sa ngayon ay ang pagkakaroon ng “National Rice Derby” sa susunod na taon na kung saan ibat-ibang private varieties ng palay na malaki ang potensyal na makapagbigay ng mataas na ani ang i showcase o ipakilala upang maraming mapagpipilian ang mga magsasaka ng mga binhi na angkop sa kani-kanilang mga lugar.
(Para sa karagdagang impormasyon maaaring kontakin si Dr. Marvin Luis, Senior Science Research Specialist, Regional Rice Focal Person and Acting Assistant Chief, Field Operations Division sa numerong 0917 799 0063.)