RICE SEEDS, IPINAMAHAGI SA MGA FARMER MEMBERS

CAUAYAN CITY — Naipamahagi na sa mga piling miyembro ng iba’t ibang Irrigators Associations (IAs) ang mga rice seeds para sa nalalapit na 2nd Dry Crop season ng 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan mula sa Institutional Development Unit, katuwang ang Operations and Maintenance Unit, ang pamamahagi ng binhi sa mga farmer members.

Kabilang sa mga tumanggap ng rice seeds ay ang mga miyembro ng ISALI CIA, Sadiri IA, Builders IA, DBPS IA, Mataleng IA, Ginhawa IA, Bigao IA, Sta. Rosa IA, Alemania IA, at Muñoz IA.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng ahensya, sa pamumuno ni Engr. Jaime M. Lara, Division Manager A, upang suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na binhi at iba pang kinakailangang ayuda upang mapataas ang kanilang produksyon at kabuhayan.

Facebook Comments