Dead on arrival sa pagamutan ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang dalawang sakay nito, sa nangyaring banggaan ng kanilang sasakyan at isang trak noong madaling araw ng Linggo sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nahagip ng motorsiklo ang kasalubong na sasakyan habang tinatahak ang kurbadang bahagi ng daan sa naturang lugar, dahilan upang tumilapon ang mga sakay nito sa kalsada.
Sugatan ang tatlong sakay ng motorsiklo at naitakbo pa sa pagamutan ngunit pumanaw ang driver.
Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang driver ng trak habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at posibleng pananagutan hinggil sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










