
Patay agad ang isang rider matapos mabagsakan ng puno sa National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City bandang alas dies kagabi.
Ayon kay Muntinlupa MDRRMO Head Dr. Erwin Alfonso, nadurog ang ribs ng rider matapos direktang mabagsakan ng tumumbang puno.
Nabagsakan din ang isang SUV, truck at motorsiklo na dumaraan sa lugar nang mangyari ang insidente.
Sumabit din sa mga kable ang bumagsak na puno kaya’t tumagilid ang katabing poste ng kuryente.
Naialis na ang bumagsak na puno matapos ang ilang oras at bukas na rin sa mga motorista ang lahat ng linya ng National Road.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, posibleng lumambot ang lupa at rumupok ang ugat ng puno dahil sa leak ng tubo malapit sa lugar.
Facebook Comments










