Riding in Tandem, Bumaril at Tumangay ng Motorsiklo!

Roxas, Isabela – Binaril ang isang security guard at tinangay ang motorsiklo nito ng riding in tandem kahapon ng umaga, May 14,2018 sa Sitio Katuday Barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan ni Police Superintendent Warlito Jagto ang Police Community Relation Officer ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang biktima ay kinilala na si Francisco Ramos Cacayurin, 22 taong gulang, walang asawa at residente ng Barangay Villa Conception, Roxas Isabela.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, habang bumabaybay ang biktima sa nasabing lugar sakay ng kanyang Honda XRM 125 kasama ang dalawang angkas nito nang bigla na lamang umano huminto sa kanilang harapan ang dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo.


Tinutukan ang biktima sa hindi malamang klase ng baril at pinaputukan ito kung saan tinamaan ang kaliwang bahagi ng katawan.

Nabigla naman ang dalawang kasama ng biktima at tumakbo sa magkaibang direksyon kung saan sa pagkakataong ito tinangay naman ng mga suspek ang motor ng biktima.

Itinakbo ng nagrespondeng Rescue team ang biktima sa Soller Hospital ngunit inilipat din sa Governor Faustino Dy Memorial Hospital ng City of Ilagan para sa karampatang lunas.

Facebook Comments