Riding in tandem criminals, tatapatan ng QCPD; Mga bagong patrol motorcycles, ibinigay ng QC LGU

Quezon City – Mas palalakasin pa ng Quezon City Police Department (QCPD) ang kontra opensiba laban sa mga kriminal na nakasakay sa motorsiklo.

Nakatanggap ngayon ang QCPD ng bagung-bagong patrol motorcycles at bullet proof vest na donasyon ng QC-LGU.

Sa isang seremonya sa Camp Karingal sa Quezon City, mismong si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nagbigay ng nasa 150 piraso na Yamaha 125 at 485 na bullet proof vest.


Bawat police stations ng QCPD ang tatanggap ng mga bagong gamit kontra krimen para mabilis na makaresponde at sa Quick Response Operations.

Facebook Comments