Natuldukan na ang matagal na family feud o rido sa Basilan.
Ito ay matapos lumagda sa peace covenant sa Tabuan-Lasa, Basilan ang ilang magkaka-away na angkan.
Kasunod nito, itinurn over sa Joint Task Force (JTF) Basilan ang 14 na loose firearms at mga bala.
Partikular na sinaksihan nina JTF Basilan Commander Brig. Gen. Domingo Gobway at Basilan Governor Jim Hataman-Salliman ang naturang peace covenant signing.
Samantala, ayon sa JTF Basilan, umaabot na sa 303 assorted firearms ang nai-turn over o isinurender simula nang ipatupad ang Small Arms and Light Weapon program ng pamahalaan kung saan nasa kabuuang 4,191 undocumented firearms na ang na-stencil at 85 benepisyaryo na ang nakapag avail ng livelihood package kapalit nang pagsuko nila ng kanilang mga armas.