Rise Up Philippines, positibong ipaglalaban ng pamilya delos Santos ang pagkamatay ni Kian

Manila, Philippines – Positibo ang Rise Up Philippines na ipaglalaban hanggang sa huli ng pamilya delos Santos ang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyong si Kian Loyd delos Santos.

Ito’y matapos ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang ni Kian sa Malakanyang kahapon.

Sa interview ng RMN sa conveyor ng grupo na si Bro. Nardy Sabino – ang kaso ni Kian ang nagpamulat sa publiko sa nangyayaring pag-abuso sa ilalim ng kampaya laban sa ilegal na droga.


Bagamat, hindi nila batid ang pagpapatawag ng magulang ni Kian sa palasyo, tiniyak ng grupo na tatayo sila sa kaso ng binata at sa ilan pang naging biktima ng giyera sa droga.

Facebook Comments