Rizal Avenue, Cauayan City, Pwede Nang Daanan ng mga Motorista!

Cauayan City, Isabela- Balik normal na ang lansangan ng Rizal Avenue at pwede nang daanan ng mga motorista matapos ang mahigit isang buwan nitong pagsasara dahil sa isinagawang selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival ng Lungsod ng Cauayan.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, humina umano ang ilan sa mga negosyo ng mga negosyante na nakahilera sa naturang lansangan dahil sa mga nakatayong baratilyo sa daan kaya’t nakiusap umano ang ilan sa mga apektado ng baratilyo kay City Mayor Bernard Dy na ipatanggal na ang mga ito.

Ayon naman umano sa sinabi ng butihing Mayor ng lungsod ng Cauayan na noong May 5 lamang magtatagal ang baratilyo kung saan ay umalis na ang mga ito kaninang madaling araw.


Samantala, Ikinatuwa naman ng lungsod ng Cauayan ang pagkakapili ng Cauayan City National Highschool bilang isa sa mga napili sa Regional Awardee ng Disaster Risk Reduction Management Council at inaasahang makuha rin ng lungsod ang National Level.

Bukod pa rito ay lalahok din umano ang lungsod ng Cauayan sa mga aktibidades ng Isabela Day na gaganapin na sa ika labing isa ng Mayo ngayong taon.

Facebook Comments