Tuesday, March 17, 2026

Rizal PPO, tiniyak ang malalimang imbestigasyon sa road crash sa Angono; apat patay

Rizal PPO, tiniyak ang malalimang imbestigasyon sa road crash sa Angono; apat patay

Tiniyak ng Rizal Provincial Police Office ang malalimang imbestigasyon sa naganap na road crash sa Angono noong hapon ng Linggo.

Apat na katao ang nasawi habang ilang indibidwal naman ang nasugatan, kabilang ang isang 13-anyos na lalaki.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police, nawalan umano ng preno ang sasakyan kaya bumulusok ito pababa at nabangga ang mga biktima bago tuluyang sumalpok sa isang bakery.

Nasa kustodiya na ng Angono Municipal Police Station ang 66-anyos na babaeng driver.

Posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries, at damage to property alinsunod sa umiiral na batas.

Ayon sa pulisya, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at mapanagot ang sinumang may pananagutan.

Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa mga naiwang kaanak ng mga biktima at nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila sa insidente.

Facebook Comments