RMN-dxCC, naghatid ng tulong pinasyal sa pamilya ng isang taong bata na pinatay ng sariling ina.

Umabot sa 5,679 pesos ang inihatid na tulong ng RMN-dxCC, para sa pamilya ng isang taong gulang na bata na pinatay ng sariling ina.
Ang nasabing halaga ang nalikom ng dxCC-RMN mula sa mga tagapakinig, na na-angtig ang puso matapos na makapanayam ni RadyoMan Zaldy Ocon ang ama ng nasabing bata, at ang salarin na sariling ina nito.
Ayon kay Police Senior Inspector Marlo Lanioso, ang Chief of Police ng Manticao Municipal Police Station, na nangyari ang insidente noong March 3 at kahapon ay isinampa na nito ang kasong parricide laban sa ina.
Nakilala ang suspect na si Salvacion Binas Kimanhan, na siyang pumatay sa isang taong gulang na anak na si Ayesha Celen.
Naniniwala ang kapulisan na may sakit sa utak ang suspect, dahil dinala umano niya ang kaniyang anak mula sa kanilang bahay patungo sa taniman ng saging saka doon hinampas ng bakal at pinukpok ng bato ang ulo ng bata na nagging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Tinitingnang angulo naman ng kapulisan na posibleng nagbaliw-baliwan lang ang suspect.
Ayon kay Senior Inspector Lanioso sa Manticao Police Station, na unusual ang ginawa ng ina sa kaniyang anak.
Ayon naman ng suspect, na napatay nito ang kaniyang anak dahil sa takot matapos itong pagbantaan ng kaniyang asawa na dadalhin ito sa Marawi City.
Subalit mariing itinanggi ng asawa na si Rey Boy Kimanhan ang nasabing paratang, dahil bago nangyari ang insidente, namataan nito ang kaniyang asawa na tuliro at hindi makatulog.
Dahil dito, nanawagan si Rey Boy Kimanhan, sa mga tagapakinig ng himpilan na tulungan itong mapalibing ng maayos ang kaniyang anak ngayong araw, kung kayat inihatid ng RMN ang nasabing halaga at isang sako ng bigas sa Manticao Misamis Oriental.

Facebook Comments