Handa na muli ang team ng RMN Foundation at DZXL 558 Radyo Trabaho para sa pagpunta sa Cavite na isa sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal at pinagdalhan din ng mga evacuees mula sa mga bayan ng Batangas.
Kabilang sa mga ipapamahagi natin ay hygiene kit tulad ng bath soap, toothpaste, toothbrush, face towel, detergent bar at powder gayundin ang set ng food packs tulad ng de lata, bigas, noodles at biscuit.
Target mabigyan ng tulong ang nasa isang libong evacuees sa General Trias at Silang sa Cavite.
Lubos naman ang ating pasasalamat sa ACS Manufacturing Corporation na patuloy na sumusuporta sa ating adhikain na makapagbigay tulong sa mga kababayan natin na biktima ng kalamidad.
Nagpapasalamat din tayo sa ating mga avid listeners at passersby na nagbigay ng donasyon sa ating Oplan: Tulong Taal donation box na nakaset up sa ground floor ng Guadalupe Commercial Complex Building.
Sa mga nais pang magpaabot ng tulong magsadya lamang sa DZXL 558 Radyo Trabaho 4th Floor Guadalupe Commercial Complex, EDSA, Makati City.
Maari din magsadya sa RMN Foundation Head Office sa State Condominium 1 Makati at iFM 93.9 station sa Greenhills, San Juan.
O ideposito ang inyong cash donation sa account name: RMN Foundation Inc sa UCPB current account number: 201-340-005-360.