Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na June 3.
Umarangkada na ang Brigada o Balik Eskwela sa iba’t ibang paaralan sa bansa at kabilang sa puspusan ang preparasyon ay ang Hen. Pio del Pilar Elementary School I sa Makati City.
Ayon kay acting Principal Director Vilma Montemayor, magmula nitong Lunes ay naghahanda na ang paaralan para sa pagbabalik eskwela nang higit nilang isanlibong mga mag-aaral.
Kasunod nito katuwang ang RMN Foundation at ang Philippine Red Cross ay nagbigay ng seminar sa mga guro, estudyante at mga magulang ng Hen. Pio del Pilar Elementary School I hinggil sa basic life support at first aid.
Kabilang sa mga itinuro sa seminar ay kung ano ang gagawin saka-sakaling may masugatan o maaksidenteng estudyante at kung ano ang gagawin sa oras ng sakuna.
Samantala, nagpasalamat naman si Principal Montemayor sa patuloy na suporta ng RMN Foundation sa kanilang paaralan.
Ang Hen. Pio del Pilar Elementary School I ay una nang binigyan ng drinking fountain ng RMN Foundation at ang mga estudyante din nito ang binigyan ng pamaskong handog ng RMN Foundation.