All set na ang isasagawang Oplan Tabang ng RMN Foundation para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Karding sa Dingalan, Aurora.
Target na mabigyan ang nasa halos 1,000 pamilya sa Brgy. Aplaya at Brgy. Butas na Bato.
Ang bawat pamilya ay makakatanggap ng food pack na naglalaman ng limang kape, apat na packs ng pancit canton, apat na sardinas, tatlong kilong bigas, isang anim na litrong tubig at isang ecobag.
Bukod dito, may mga hygiene kits rin ang ihahanda ng RMN Foundation kasama ang Inner Wheel Clubs of the Philippines na ipapamahagi rin sa bawat pamilya na naapektuhan ng nasabing bagyo.
Katuwang naman ng RMN Foundation ang Metrobank Foundation at GT Foundation upang maisakatuparan ang aktibidad para mabigyan ng tulong ang ilan nating mga kababayan sa Dingalan, Aurora na naapektuhan ng bagyo.