RMN Networks, unbeatable ang ratings sa Soccsksargen Region!

Ipinagmamalaki ng Radio Mindanao Network ang DXMD 927 RMN General Santos at 91.9 iFM GenSan na nagdominante sa ratings sa buong rehiyon ng Soccsksargen.

Batay sa 2021 Nielsen Radio Audience Measurement Survey, nakuha ng Radio Mindanao Network (RMN) ang 61.5% listening market share kumpara sa ibang istasyon.

Ang DXMD RMN GenSan ay patuloy na pinagkakatiwalaan at maaasahang AM station sa buong lalawigan na may listening share na 95.2%.


hindi rin maikakaila na numero unong News & Music Station sa GenSan ang DXCK 91.9 iFM na may listening share na 39.9%.

Para kay DXMD RMN GenSan Station Manager Inah Daven-Borromeo,  isa itong blessing at nagpapasalamat sila sa RMN management at mga masugid na tagapakinig.

Patuloy nilang ihahatid ang serbisyong “Radyoman” mula sa puso.

Suporta ng mga tagapikinig din ang nagtulak sa team nina iFM GenSan Station Manager Armand Enriquez Jr., para magpursige at makamit ang pagiging number 1.

Sa kanyang mensahe, binabati ni RMN Executive Vice President and Chief Operating Officer Rico Canoy sina Daven-Borromeo at Enriquez sa kanilang matibay na leadership, at sa tulong ng mga talentado at masisipag nilang mga kasamahan.

Sumasaludo si Mr. Canoy sa mga frontliners ng iFM at RMN GenSan sa kanilang sipag at sakripisyo.

Nagpapasalamat din si Mr. Canoy sa lahat ng loyal fans at partner local clients sa pagsuporta sa RMN.

Magsisilbi itong testamento na patuloy ang RMN na magsisilbi at maghahatid ng serbisyo publiko lalo na ngayong pandemya.

Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments