RMN Station Manager’s Conference, Umaarangkada Na!

General Santos City – Nasa pangalawang araw na ang taunang Station Manager’s Conference ng Radio Mindanao Network o RMN.

Sa kumperensiyang ito ay nagtipon-tipon ang top management ng RMN sa pangunguna ni President at CEO Eric S. Canoy kasama ang mga matataas na opisyal ng network at lahat ng mga station managers ng AM at FM stations sa ilalim ng RMN, Incorporated na matatagpuan sa Luzon Visayas at Mindanao.

Ang tema ng Manager’s Conference ng RMN ay “Managing the Future” na nakatuon sa mga pamamaraan kung paano mas mapabuti ang paghahatid serbisyo nito sa sambayanang Pilipino sa mga susunod pang mga panahon.


Sa panig ng DWKD RMN Cauayan, naging kinatawan ng malapit nang mapapakingan na istasyon sa Cauayan City, Isabela ang Station Manager nitong si Ginoong Christopher Estolas.

Ang RMN Manager’s Conference ay ginagawa kada taon at ngayong 2018 ay ginanap sa lugar kung saan ang AM at FM band ng RMN ay parehong number 1 sa pinakahuling radio survey sa General Santos City.

Makakaasa ang mga tagapakinig ng radyo sa Cauayan City, Isabela na sa pamamagitan ng nalalapit na pagsasahimpapawid ng lokal na mga palatungtunan ng DWKD 98.5 iFM Cauayan ay magkakaroon sila ng mapagkakatiwalaang pagmumulan ng tama at eksaktong balita, responsible na pagtalakay sa mga isyu, nakakaaliw na musika at maasahang public service.




Facebook Comments