Manila, Philippines – Inaatasan ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ang PNP-Higway Patrol Group at organized motorcycle groups na magbantay at magsagawa ng kampanya para sa safety at responsible driving. Ang suhestyon ng kongresista ay bunsod na rin ng tumataas na insidente ng road accidents na kinasasangkutan ng mga motorcycle riders. Hinikayat ni Nograles ang PNP-HPG na magtalaga ng mga pulis sa mga highways na regular na ruta ng mga motorsiklo lalo na sa weekend. Sinabi ni Nograles na ilang mga lansangan sa Marikina-Laguna-Quezon highway, Sumulong highway, Nasugbu-Ternate highway, Manila North road at Aguinaldo highway ay napagalamang ginagawang racetracks ng mga motorcyclists tuwing weekend. Umaalma ang mambabatas sa mga motorcyclists sa ingay at pagpapasikat na ginagawa ng mga ito sa mga busy-highways na maraming dumadaan na motorista. Sa tala ng DOH tumaas ang crash injuries na kinasangkutan ng motorsiklo mula 6,244 injuries noong 2010 at umabot na sa 19,852 injuries noong 2015.
ROAD ACCIDENT | PNP-HPG, pinakikilos sa tumataas na aksidente na kinasasangkutan ng mga motorcycle riders
Facebook Comments