WORLD TUBERCULOSIS DAY | DOH, magsasagawa ng TB screening sa Tondo

37

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Tuberculosis Mass Screening ang Department of Health sa Baseco Compound Tondo, Maynila sa Biyernes bilang bahagi ng World Tuberculosis Day. Sa temang Project Heal: Healthy and Active Lungs, layon ng programang ito na mabigyan ang 300 partisipante ng pagkakataon na libreng maipacheck up ang kanilang mga baga. Matatandaang noong 2017, sa Quezon City naman idinaos ang programa ng DOH para sa World TB Day kung saan, nagkaroon ng mga programa para ipabatid sa publiko ang mga paraan para maiwasan at matuldukan ang TB. Ang World Tuberculosis Day ay ipinagdiriwang kada taon tuwing sasapit ang March 24.

Facebook Comments