ROAD ACCIDENT | Tatlo, patay matapos mahulog ang isang bus sa isang tulay sa Leyte

Leyte – Patay ang tatlong katao matapos na mhulog ang isang bus sa inaayos na tulay sa Tanauan, Leyte.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing Maynila ang Philtranco Bus at patungong Davao City nang mangyari ang aksidente pasado alas-12 ng madaling-araw.

Kuwento ng mga pasahero, nakatulog ang driver ng bus kaya at inalalayan ito ng kasamahan niyang driver pero nagtuloy-tuloy ito hanggang mahulog sa inaayos na tulay sa Barangay Buntay.


Aabot sa 48 na pasahero ang bus at hindi pa mabatid kung ilan ang sugatang pasahero habang hawak na ng mga otoridad ang hindi pa pinangalanang driver ng bus.

Inaalam pa ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng aksidente, maging ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang ang sugatan mga pasahero ay dinala na sa kalapit na ospital.

Facebook Comments