ROAD ALERT | Ilalim ng Baclaran station padaraanan na sa mga motorista ng MMDA

133

Manila, Philippines – Maaari nang dumaan ang mga sasakyan sa Taft Avenue Baclaran, kalsada sa ilalim ng LRT Baclaran station.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bubuksan na rin nila ang intersection sa Pasay Rotonda para pagduktungin ang Libertad at Baclaran sa Taft Avenue at tatagos ito sa Tambo Parañaque sa NAIA Road.

Kaya naman halos araw-araw binabalikan ng MMDA ang LRT Baclaran station upang alisin ang mga pasaway na ilegal vendors, tanggalin ang mga sagabal na ilegal terminal ng mga tricycle at kuliglig at linisin ang lugar.

Kasunod nito umaasa ang MMDA sa mga Local Government Units (LGUs) partikular sa Pasay at Parañaque na matapos nilang linisin ang lugar ay mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa Baclaran na halos araw-araw ay nagkakaroon ng clearing operations ang MMDA.

Facebook Comments