Manila, Philippines – All set na ng planong pagpapatupad ng ban sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.
Sa interview ng DZXL kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Celine Pialago, ang northbound at southbound provincial buses ay bawal dumaan sa EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon City mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.
Sinabi pa ni Pialago na maaring gamiting ng mga provincial bus na galing Norte bilang common stop ang Araneta Center Bus Temrinal habang pwede naman gamitn ng mga bus galing south ang Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) sa Pasay City pero hindi sila maaring magtagal.
Nakipag-ugnayan na din ang MMDA sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) para magkaroon ng adjustment sa pasahe ang mga pasahero pero aminado sila na bala ito sa mga commuters.
Nabatid na nagdesisyon na ang mmda na gawin ang nasabing ban sa mga provincial buses matapos ang isinagawa nilang dry run kahapon.