Magmula alas onse mamayang gabi isasara ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong upang bigyang daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 project.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) alas sais na ng umaga sa linggo muling papadaanan sa mga motorista ang nasabing tulay.
Ayon pa sa MMDA ang steel girders ng tulay ay isa isang tatanggalin nang sa gayon ay makadaan ang mga barges na may lulang malalaking equipment at agad na ibabalik pagkatapos makadaan ang mga equipment na gagamitin para sa pagkukumpuni ng skyway.
Kasunod nito inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na pansamantala munang humanap ng alternatibong ruta.
Ang mga sasakyang magtutungo ng Mandaluyong ay maaaring dumaan sa Shaw Boulevard, Libiran, Bagumbayan, Boni Avenue patungo sa inyong destinasyon.
Habang ang mga sasakyang pupunta sa Sta. Mesa area maaaring bagtasin ang P. Sanchez, Kalentong Street patungo sa inyong destinasyon.
Ang Sevilla Bridge ang nag-uugnay sa lungsod ng Mandaluyong at Maynila.