Walang tigil ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa pagsasagawa ng road-clearing operations sa mga kakalsadahan sa kanilang bayan.
Tulong-tulong muli ang mga miyembro ng Road-Clearing Task Force at nagsagawa ng operasyon alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-085 kung saan sinuyod ng BPSO, DILG, PNP, BFP, Engineering, SEE/Public Market, ESWMO, BPLO, RHU, at CSO representative ang mga kakalsadahan sa national road partikular sa Brgy. Cadre Site, M.H. Del Pilar, Nalsian, Zone 1, at Tamaro nang sa gayon ay alisin ang mga ibat ibang nakaharang sa daanan gaya na lamang ng mga nakapark na sasakyan, talipapa, at iba pa.
Isa kasi sa nagiging sanhi ng mga disgrasya sa daan ang mga nakabalandra diumano sa daraanan at istrakturang wala naman sa lugar.
Samantala, isa din sa mga sanhi ng disgrasya sa kalsadahan na maigting na iniiwasan ng LGU ang araw-araw na perwisyong dulot ng mga nakaharang sa daan sa pedestrian, maging sa mga motorista at trapiko. |ifmdagupan
Facebook Comments