Road closure at traffic rerouting, ipinatupad para sa paggunita ng ika-159th birth anniversary ni Gat Jose P. Rizal

Magpapatupad ng road closure at rerouting ang Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit para sa paggunita ng ika-159th birth anniversary ni Gat Jose P. Rizal ngayong araw, June 19, 2020.

Kaninang umaga, isinara na ang north at southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang T.M Kalaw Avenue.

Ang lahat ng light vehicles na nais dumaan ng southbound lane ng Roxas Blvd. ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa St., kanan sa MH Del Pilar hanggang sa makarating sa kanilang destinasyon.


Kailangan naman kumanan sa Pres. Quirino Avenue hanggang sa kanilang patutunguhan ang mga light vehicle o maliliit na sasakyan sa northbound lane ng Roxas Blvd.

Para naman sa mga malalaking sasakyan na nais dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay maaaring dumaan sa eastbound lane ng P. Burgos hanggang Finance Road diretso sa Ayala Blvd. at kanan sa San Marcelino St. patungo sa kanilang destinasyon.

Habang ang mga truck at trailer trucks na babagtas ng northbound lane ng Roxas Blvd. ay kailangang kumanan sa Pres. Quirino Avenue.

Paalala naman ng MPD na ang aktwal na pagsasara at pagbubukas ng apektadong mga kalsada ay base sa magiging sitwasyon ng trapiko.

Samantala, patuloy naman pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ang nalalapit na “Araw ng Maynila” sa Miyerkules, June 24, 2020.

Kabilang sa mga paghahanda ay ang paglalagay ng bandila na ilalagay sa mga kalsada, tulay, palengke, eskwelahan at iba pa kung saan ang selebrasyon ng 449th Foundation ay nakatuon sa mga frontliner na patuloy na tumutulong para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments