ROAD CRASH | 2 patay, 3 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Atimonan, Quezon

57

Quezon Province – Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Atimonan, Quezon.

Sa ulat ng Atimonan police, binabaybay ng isang delivery van ang kahabaan ng New Diverson Road sa Barangay Sta. Catalina nang nawalan ito ng preno.

Dahil hindi na makontrol ng driver, sumalpok ito sa isa pang delivery van na tumama naman sa isang kotse.

Kabilang sa nasawi ang dalawang pahinante ng delivery van na nagsimula ng banggaan.

Ginagamot naman sa Doña Martha Hospital ang mga nasugatan.

Facebook Comments