SONA 2018 | Kamara, all set na sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – All set na ang Mababang Kapulungan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon kay Secretary-General Atty. Cesar Strait Pareja, Chairman of the SONA 2018 Steering Committee, nakalatag na ang security measures at nakahanda na rin ang buong programa para sa mismong araw ng SONA.

Nakahanda din aniya ang Mababang Kapulungan sa anumang posibleng mangyari sa araw ng SONA.


Sinabi naman ni House Sergeant-at-Arms Retired Lieutenant General Roland Detabali na mas handa sila ngayon sa pagbibigay ng seguridad kay Pangulong Duterte at sa first family.

Aabot sa 6,000 mga pulis at 600 sundalo ang magbabantay sa paligid ng Batasan Complex.

Inaasahan na humigit kumulang 2,000 ang mga government officials, VIPs at bisita ang dadalo sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments