ROAD CRASH | 20 sugatan sa karambola ng sasakyan sa Roxas Airport Road

Manila, Philippines – Sugatan ang 20 pasahero matapos magkaroon ng karambola ang nasa 10 sasakyan sa Roxas Airport Road, Northbound Lane kaninang 8:58 ng umaga.

Ayon sa MMDA umaabot sa 12 major injuries habang 8 naman ang naitalang minor injuries na dinala na sa Pasay City General Hospital at San Juan De Dios Hospital.

Sangkot sa aksidente ang 2 Bus, 4 Puj, Uv Express, Taxi at 2 Motorsiklo.


Sa report ng MMDA metrobase, nawalan ng preno ang Classic Leisure Bus company kung kaya’t inararo nito ang mga nag aabang na mga pasahero.

Sa ngayon tuloy ang clearing operations sa lugar kung saan unti unti nang tinatanggal ang mga sangkot na sasakyan.

Asahan na ayon sa MMDA ang pagsisikip ng daloy ng trapiko partikular sa Cavitex hanggang Roxas Airport Northbound lane.

Facebook Comments