Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong tao matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa San Marcelino Street corner U.N. Avenue, Ermita, Maynila.
Ayon sa isa sa mga driver ng motorsiklo na si Dusty Lazaro, binabaybay niya ang San Marcelino Street.
Aniya, naka-green ang traffic light nang biglang pumasok ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki mula naman sa U.N Avenue.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.
Facebook Comments