Cauayan City, Isabela – Katatapos lamang dito sa lalawigan ng Isabela ang roadshow ng Presidential Communication Operation Office at National Privacy Commission para sa Freedom of Information kaugnay sa Executive Order 2 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos nilang magpaseminar sa lungsod ng Ilagan na dinaluhan ng ibat ibang grupo kasama na ang mga LGU’s.
Sa ginawang panayam kay Atty Erlyn Lumanog ng NPC ay naging maayos at matagumpay ang naturang road show kung saan tinalakay ang kapangyarihan ng isang ordinaryong mamamayan para alamin kung saaan napupunta ang pondo ng bayan.
Kabilang din sa ipinaliwanang ay ang mga hakbang na kinakailangan sa paghingi o paghiling ng anumang impormasyon mula sa sangay ehekutibo ng pamahalaan.
Ngayong araw ay tutungo naman ang grupo sa Baler, Aurora Province para sa kaparehong road show.
Layunin umano ng caravan na maiparating sa lahat ang kahalagahan ng FOI at upang malaman ang karapatan ninuman sa mga impormasyon mula sa pamahalaan.