ROBOTICS TEAM MULA SA MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL, KAMPEON SA ROBOTEAM GLOBAL COMPETITION

Taas noo at buong pusong lumaban para sa bansa ang STE RoboTeam Philippines mula sa Manaoag National High School sa Minoan Robotsports Global Olympiad, kaya naman nakapag-uwi sila ng mga medalya.

Naganap ito mula April 3 to April 6, 2026 sa Haraklion Stadium sa bansang Greece kung saan nagsama-sama ang mga delegates mula sa iba’t ibang bansa upang ipakita ang kanilang galing sa larangan ng Robotics.

Maliit man kung tignan ngunit tumindig ang mga estudyanteng sina Jesfree Soriano, Joeshel Caspillan, Warlito Gacusan Jr., Brendon Ryan Esteves, Josh Andrei Mendoza, at Leo Jake Wania upang ipakita na kayang kaya nilang makipagsabayan pagdating sa Robotics.

Champion o Gold medal ang nakuha nila sa E- soccer Competition at E- SumoBot Competition, habang 2nd place o silver medal naman sa Humanoid Wrestling Competition at 3rd o Bronze naman sa Archery Competition.

Bagamat tila umaakyat sila ng bundok sa taas ng lebel ng kumpetisyon, hindi sila nagpatinag dahil sila ay handang lumaban na may nag-aalab na determinasyon kaya hindi sila nabigo na ipanalo ang laban na ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments