Roll-out ng rapid test kits na gawang Pinoy na magde-detect ng ASF sa mga baboy, sinimulan na ng DA

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang roll-out ng rapid test kits na gawang Pinoy na magde-detect ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga baboy.

Ginanap ito sa Batangas City kung saan aabot sa 100 rapid test kits ang ipinamahagi sa mga local piggery owners para kanilang mga alagang baboy.

Ayon kay Dar, sa oras na lumabas na mataas ang efficacy ng test kits sa sakit ay agad nila itong ipamamahagi sa lahat ng Local Government Units (LGUs) sa bansa.


Sa naturang proseso, ilalagay ang likido na nakuha sa baboy sa maliit na test kits kung saan agad na magbabago ang kulay nito; kung may pagkapula ang lumabas ibig sabihin ay negative ito sa sakit habang positive naman kung naging itim o abo ang kulay ng likido.

Ang ASFV Nanogold Biosensor kits ay nilikha ng Central Luzon State University (CLSU) sa pangunguna ni Dr. Clarissa Domingo.

Facebook Comments