Mga laro sa UAAP, suspendido na rin dahil sa COVID-19

Sinuspinde na rin ng pamunuan ng UAAP ang lahat ng mga laro at events nito hanggang sa March 17 dahil sa banta ng Corona Virus Disease-2019 (COVID-19).

Ito ay alinsunod sa utos ng Pangulo na dapat lahat ng estudyante ay dapat manatili na lamang muna sa tahanan.

Ayon sa pamunuan ng UAAP, maglalabas na lamang ng panibagong abiso hinggil sa panibagong game schedules.


Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa buong Metro Manila mula ngayong araw (March 10) hanggang sa March 17, araw ng Martes, dahil sa nasabing sakit.

Facebook Comments