Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, aarangkadang muli ngayong linggo

167

Manila, Philippines – Magkakaroon muli ng rollback sa presyo ng lahat ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang bawas sa gasolina habang P0.20 hanggang P0.30 naman kada litro ng diesel at kerosene.

Ito na ang ikaapat na linggo ng sunod-sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.


Dahil dito, aabot na ng mahigit dalawang piso ang natapyas sa presyo ng gasolina at diesel simula noong unang rollback ng June 6.

Facebook Comments