RoRe mission sa WPS, hindi gagamitan ng mapangahas ng pwersa ng AFP

Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kailanman sila gagamit ng mapangahas at mapag-udyok na pwersa sa pagsasagawa ng Rotation and Resupply Mission (RoRe) sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, sumusunod lamang ang Sandatahang Lakas sa rules of engagement na nagtatakda kung kailan dapat gumamit ng pwersa na isang mekanismo para masiguro na hindi mag-escalate o lumala ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Hindi aniya pinapahintulutan ng nasabing rules of engagement ang paggamit ng pwersa sa RoRe mission.


Gayunman, magtutuloy-tuloy ang AFP sa pagtataguyod ng rules based international order, tulad ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) sa WPS.

Ito’y sa kabila ng huling insidente sa WPS kung saan binomba ng Chinese Coast Guard ng water cannon ang resupply boat ng Pilipinas na nagresulta sa pagkawasak ng windshield nito at pagkasugat ng apat na tripulante.

Facebook Comments