Manila, Philippines – Kahalintulad na preparasyon noong bagyong Ompong ang ipatutupad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paghahanda nila sa pagtama ng bagyong Rosita.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas – nakipag-ugnayan na sila sa mga concerned agency at local government units para simulan ang kanilang preparasyon.
Tiniyak naman ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na handa ang mga ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo.
Nabatid na tinutumbok ng bagyong Rosita ang mga lugar na nauna nang sinalanta ng bagyong Ompong.
Mamayang gabi, inaasahang magtataas na ng storm warning signal ang pagasa sa mga lugar sa eastern sections ng northern at Central Luzon mamayang gabi.
Facebook Comments