Sa kasagsagan ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Naga City, isang inisyatibo ang isinagawa ng grupo ng Rotary Club of Metro Naga upang makatulong sa pagmantina ng virus-free streets sa mga barangay ng lungsod.
Kanina, isinagawa ang dis-infecting activity ng nasabing grupo sa pakikipag-koordinasyon kay Naga City Mayor Nelson Legacion.
Sa fb post ni Mayor Legacion, makikita sa video na dalawang sasakyan (convoy) ang umiikot sa mga kalye ng Naga City upang linisin sa anumang virus na maaring kumapit sa mga residente.
Ang hakbang na ito ay sariling inisyatibo ng Rotary Club of Metro Naga upang makatulong na maibsan ang banta ng COVID-19 sa mga residente ng lungsod.
Kasama sa plano ng grupo na spreyhan ng disinfectant ang lahat ng 27 barangays ng Naga.
credit: video fb post of Mayor Nelson Legacion
Rotary Club of Metro Naga Nagsariling-Paraan Para Ma-Disinfect ang Naga City Kontra Covid-19
Facebook Comments