Roxanne Baeyens, itinanghal bilang Miss Earth Water 2020

61

Itinanghal bilang Miss Earth Water 2020 ang pambato ng Pilipinas na si Roxanne Baeyens sa katatapos lamang na virtual coronation ng Miss Earth 2020.

Ayon kay Baeyens, isa ito sa pinakamagandang sorpresang natanggap niya sa kanyang buhay.


Lubos din itong nagpasalamat sa kanyang team, taga-suporta, at sa pamunuan ng Miss Earth Organization.

Ipinangako ni Baeyens na ibibigay niya ang kanyang buong puso para gampanan ang kanyang tungkulin bilang Miss Earth Water.

Samantala, si Lindsey Coffey ng USA ang nagwagi bilang Miss Earth 2020 habang Miss Earth Fire si Michala Rubinstein ng Denmark at Miss Earth Air naman si Stephany Zreik ng Venezuela.

Facebook Comments