Magugunitang inumpisahan noong ika-pito ng buwan ng Marso ang pagpapatayo ng naturang silid aralan na noon ay dinaluhan ni Mayor Amos Alejandro at mga ilang opisyal ng Alicia, Isabela.
Kasama din ang mga opisyal ng barangas, Deped officials, mga mag-aaral, magulang, guro at ang hanay ng kasundaluhan mula sa United States Armed forces at Ang 502nd Infantry Brigade, Philippine Army.
Pagkatapos pinasinayaan ang naturang paaralan ay tinanggap ni Ginang Jessica Dela Cruz, Head Teacher III, ng San Francisco Elementary School ang naturang paaralan sa ginawang simpleng programa kaninang umaga.
Ang San Francisco Elementary School ay mayroong 214 na mga mag-aaral, at 7 guro at labing dalawa na mga classroom.
Todo-todo ang naging pasasalamat ni Principal Dela Cruz sa tinanggap nilang bagong silid paaralan dahil ito umano ay Malaki ang maitutulong sa kanila lalo pa at karamihan sa kanilang mga silid aralan ay luma na.
Gayundin, nagpasalamat si san Francisco, Alicia Punong Barangay Roberto Masi sa hanay ng mga kasundaluhan dahil ang kanilang barangay ang isa sa mga napili na pagtatayuan ng paaralan.
Masaya naman ang mga sundalo na gumawa sa naturang paaralan dahil silay nakatulong sa kanilang mga kababayan.
Maliban sa Bayan sa Alicia Isabela, ay mayroon tatlo, na kahalintulad na proyekto na kanyang ipinatayo sa lalawigan ng Cagayan.