RT-PCR tests, hindi perpekto – DOH

Nilinaw ng Department of Health na walang perpektong COVID-19 tests.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID ang isang miyembro ng family na magtutungo sanang Boracay pero nang ulitin ang RT-PCR test sa Red Cross ay negatibo naman ito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 80 hanggang 85 porsyento accurate lamang ang RT-PCR tests.


Aniya, may posibilidad pa ring makontamina ang mga sample o nakolekta sa maling paraan.

May mga pagkakataon din aniya na magkaroon ng “false positive” at “false negative” result ang mga isinasagawang test.

Facebook Comments