Mataas na vaccination rate, magiging basehan kung mas luluwagan pa ang alert level ng bansa

Tiniyak ng MalacaƱang na kasama sa parameters ng pamahalaan sa pagsasailalim sa Alert Level 1 ng isang lugar ang vaccination rate ng mga senior citizen at may comorbidities.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, hindi bababa dapat sa 70 porsiyento ang bakunadong A2 at A3 groups.

Aniya, kaya nga binubuo ang National Action Plan Phase 5 para makikita ang mga lugar, protocols, policy shifts na kailangang gawin para po maging resilient ang bansa sa COVID.


Giit ni Nograles, mahalagang masiguro na may proteksyon ang A2 at A3 group laloā€™t malaki ang tyansang maging severe o critical sila kung hindi bakunado.

Facebook Comments