BOLINAO, PANGASINAN – Inilabas ng Local Government Unit ng Bolinao ang panuntunan para sa mga nais pumunta at bumisita sa bayan ngayong paggunita sa Undas ngayong taon sa kabila ng banta ng pandemya.
Para sa mga nagmula sa Pangasinan, kailangan ng valid government ID at approved tourist pass mula sa Pangasinan.Tara.ph.
Sa mga magmumula sa labas ng Pangasinan mapa MGCQ, GCQ at Alert Level 1,2,3 ay kailangang magpresenta ng Valid Government ID.
Ang walang certificate of full vaccination ay kailangang magpakita ng negative RT PCR o Antigen Test na valid sa loob ng 72 hours bago pumasok sa bayan. Aprubado na Tourist Pass mula sa Pangasinan.Tara.ph at ang S-Pass Travel Coordination Permit.
Lilimitahan lamang din sa 30% maximum capacity sa bawat tourism sites at limitado lang ang pagbubukas nito mula ala-7 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
Activated din dito ang incident command system mula October 30 hanggang November 2 sa mga natukoy na strategic areas partikular na sa Patar Beach at Bolinao Falls para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng magtutungo. Ipinagbabawal din paninigarilyo at pag inom ng alak sa bisinidad ng Tourism Sites.
Magtatalaga din ng Isolation Unit para sa mga symptomatic guest habang hinihintay ang mga personnel na magdadala sa pinakamalapit na ospital at kung lumabas na may mild symptoms ang bisita ay magkakaroon ng tamang koordinasyon sa Barangay Health Emergency Response Team.
Ipinaalala naman sa mga staff at personnel na iwasan ang diskriminasyon sa isang pasyente na napag-alaman na may sintomas.###