Sa Cagayan de Oro, pag-kwestyon sa 500 million pesos na supplemental budget, hindi nagustuhan ng alkalde

Hindi nagustuhan ng alkalde ng Cagayan de Oro ang pag-kwestyon ni Opposition City Councilor Jocelyn Bebot Rodriguez, sa hiling nitong aprubahan ang supplemental budget number 1 ng City Council na nagkakahalaga ng 500 million pesos.

Sa press conference na sinagawa kahapon, inakusahan ni Mayor Moreno ang nasabing Lady Councilor na namumulitika, sa kabila ng banta ng Coronavirus.

Ayon sa Mayor, na hinihingi nito sa City Council ang supplemental budget bilang paghahanda ng kaniyang administrasyon, para sa mga kakailanganin ng gobyerno sa kanilang kampanya laban sa COVID-19.


Ngunit hindi umubra ang ginawang paghadlang ni Councilor Rodriguez, dahil pinaboran ng Majority Member ng City Council ang supplemental budget na nagkakahalaga ng 500 million pesos.

Facebook Comments