Sa Cotabato, mga bayan sa BARMM na walang IRA, tutulungan ng BARMM Government

Tutulungan ng Bangsamoro Government ang mga non-IRA municipalities na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao upang patuloy na makapagbigay ng nararapat na serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Pinulong  ni BARMM Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim ang mga Local Chief Executive ng ilang mga bayan sa BARMM na walang Internal Revenue Allotment o IRA.

 

Kabilang sa mga pinulong  ni  Chief Minister Ebrahim sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City ang mga alkalde ng mga bayan ng Datu Salibo, Datu Hoffer, Mangudadatu, Pandag, Northern Kabuntalan, Datu Blah Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, Akbar, Al-Barka, Hadji Muhtamad, at Muhammad Ajul.


Facebook Comments