Apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina hindi lamang ang mga driver kundi pati na rin ang ilang estudyanteng umaasa sa kanilang service sa pagpasok sa paaralan.
Dahil karamihan sa kanila ay nag-aaral pa lamang at walang sapat na kakayahang magpa-full tank ng kanilang sasakyan, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa kanilang biyahe.
Sa bayan ng Basista, naging mapalad ang dalawang motorista nang mapansin sila ni PSSg Gilson U. Pagsolingan.
Agad niya silang tinulungan sa pamamagitan ng pagpunta sa pinakamalapit na gasolinahan upang bumili ng gasolina. Ikinarga niya ito sa motorsiklo ng mga estudyante upang muli itong umandar.
Nagpaalala rin siya sa kanila tungkol sa tamang paggamit ng motorsiklo at ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagmamaneho, lalo na dahil sila ay mga estudyante pa lamang.
Ayon sa Basista Municipal Police Station, patuloy ang kanilang malasakit at dedikasyon sa pagbibigay ng agarang serbisyo at tulong sa komunidad.
Layunin nilang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na sa oras ng pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










